Lyrics of Ang Bango ng Pasko

 Ang Bango ng Pasko
Ang bango ng pasko ay walang katumbas
parang lumang pagbati na ‘di kumukupas
parang bagong damit, kay linis, kay puti
hindi pa nakaranas ng mantsa at dumi
Ang bango ng pasko, regalong hatid
ang ihip ng pag-asa tuwing disyembre
ang bango ng pasko, langhapin ang sarap
‘pag kasama ang pamilya, walang katumbas
ang bango ng pasko ay walang katumbas
Ang bango ng pasko ay walang sing-saya
tamis ng halakhakan sa biyayang dala
ang bango ng pasko ay walang sing-sarap
ang simoy ng pag-ibig at pagkakaisa
Ang bango ng pasko, ligayang hatid
ang ihip ng pag-asa tuwing disyembre
ang bango ng pasko, langhapin ang sarap
‘pag kasama ang pamilya, walang katumbas
ang bango ng pasko
sana lahat makatanggap